About Me

My photo
I'm a girl trapped on somebody's bod. I love Music and Arts and everything that associates with both. I wanna learn how to drive a car and a motorcycle. I wanna try bunjee jumping and some sort of height-freaking stunts. I wanna learn how to swim like an athlete and surf! I wanna learn how to play the piano, drums, guitar and harmonica. I wanna learn how to cook like a chef and bake cakes too! I hate liars and saying goodbyes too for it saddens me a lot. I love to write poems and draw. I always write how I feel. I love animated movies! =)

Monday, February 23, 2009

tsinelas

February 23rd, 2009 by iyahthought
Tsinelas, Goma, Sinelas, Sipit: Ilan lang yan sa mga karaniwang tawag sa ating mga suot na pang-paa. Kahit nung mga sanggol plang tau at lampin pa ang suot, may sapin na din mga paa natin para maprotektahan tau sa lamig. Hanggang sa pagtanda at uugod-ugod na, asahan mong kakabit na ang tsinelas ng ating mga paa.

Sabi ng ilan, ang tsinelas daw ay katulad din ng ating tahanan. Kahit saan ka pa nagpunta, babalik at babalik ka, hahanap hanapin ng iyong sistema. Tsinelas ang unang hinahanap ng ating paningin after nating magbihis o pagkadating sa ating mga tahanan. Kulang ang pakiramadam kung ala taung suot sa paa. Kahit pa gaano kamahal suot nating sapatos, nde pa din natin kayang ipagpalit ang ating mga tsinelas. San ka ba nakakita na sapatos pa din ang gamit na pang-paa sa bahay? Siguro meron ngang mangilan-ngilan na ganun.. mga rich J

Ilan nga ba ang klase ng tsinelas?

May mura, may mahal, may tama lang sa budget, may panghiram, may hand-me-downs, may napulot na para sa iba e nakaw, may malaki, may maliit, may plain, may printed, may itim, may puti, may de-kulay, may butas, may tangos na, may replaced na ung dahon, may de-kawad, may sira na, may plastic bottles, may karton, may dahon, may ala ng katuwang at madami pang may.

Panu ka ba pumili ng tsinelas kung bumibili ka? Alin ang una mong tinitingnan? Presyo, Kulay, Disenyo, comfy… Kung ibabalik nyo saken ang tanung, eto masasabi ko. Mas gusto ko bumili ng tsinelas sa palengke. Mas mura kasi at mas madami ka pang magiging choices. Disenyo, comfy, kulay (kung nakakaitim ba ng paa ko), presyo…yan na ung pagkakasunod-sunod. Pero kalimitan e in reverse (hehehhehe)



When we were in grade school (kaming mgkakapatid), we seldom wear rubber shoes then. Kapag field day lang or kapag may bisita. So when my cousin noticed my feet (ung fingers), sabi nia magpipinsan daw tlga kami. Nde maipagkakaila. ‘coz our fingers seemed to hate each other. It’s because we always wear slippers.

May iba pa bang gamit ang tsinelas bukod sa pampaa? Games.. definitely games. =) Most of the time, nawawala ang isang pares ng tsinelas naming magkakapatid at magpipinsan kc ginagamit namin sa paglalaro. It would either be tumbang-preso or bending. Pde ding gawing pamalo sa malilikot na bata at mahilig umatungal. Hehehe. Ang ibang bata lalo na ung malalapit sa ilog or dagat ang bahay, ginagamit nila itong salbabida. Isusuot nila sa magkabilang braso nila ang tsinelas at presto!.. may salbabida na sila. So creative and resourceful. Hehehe May isa pang laro ngaun na ginagamit ang tsinelas… nde ko nga lang alam kung anu ang tawag ng pinsan ko sa larong yun. Tuwing hapon na lang e namumura sia ng kanyang ermat kasi nga hapon na e laro pa sia ng laro. He used his slippers as replacement for a coin at kahit mag-isa e naglalaro na parang may kakara cruz…

“darating ang panahon na ala nang nakapaang bata” – yan ang sabi (not the exact words) ng isang komentarista at host ng isang programa sa isang istasyon sa telebisyon. Isa kasi sa proyekto nila ay pamimigay ng tsinelas sa mga graders. They go to every public school here in the Philippines and they give slippers to every student. They even give a 500 peso bill to a student who has the most damaged slipper. Merong butas na tlga ang apakan, merong magkaibang pares na ang sinusuot, may halos kalahati nalng kasi putol, may nakakawad na ang mismong dahon ng tsinelas kasi biktal na. Nakakataba ng puso sa tuwing maaabutan ko ang programang ito. Kitang kita mo sa mga mata nila ang tuwa at pananabik sa bago nilang tsinelas. Gusto kong makadaupang palad ang tao sa likod ng proyektong ito.

May naalala akong ale. Minsan kasi na sakay ako ng jeepney papuntang trabaho, may nakasuno ako sa sasakyan na isang ale. Hindi naman siya kapansin-pansin kasi ala namang kakaiba sa mukha nia at sa gayak nia. Sa tsinelas na suot lang nia ako napatuon ang pansin. Akala ko nung una ay di lang tlga nia sinuot ng ayos base sa kanyang pagkakaupo. Napagtanto ko na maliit tlga sa kanya yung suot niyang tsinelas. Napasisip tuloy ako at nagtanung. “Bakit?” Siguro, bigay lang un sa kanya. Kaya sa halip na palitan niya e pinagtiyagaan nalng niyang isuot ung tsinelas. Pde din nman na ala tlga siyang tsinelas na kanya kaya nanghiram nalng siya. Inisip ko tuloy kung papanu siya lalakad ng ayos gayong sobrang init ng panahon. Alam ko at sigurado ako na sobra ang naging pagtitiis niya sa tuwing isusuot niya ang tsinelas na yon. Ngali-ngali ko nang samahan siya sa palengke at ibili ng tsinelas na tama sa sukat ng paa niya. Pero nde ko ginawa. It’s not a good escape or an excuse if I will tell you that im already late for work, so I have no enough time to do that. I pitied him but I did nothing to help him. Some of us are like me in that aspect of life and it really is a shame. But I learned from it. Since I have no chance of meeting that person again, I always buy a pair of slippers and give it to my cuz or tito or mudra, or to anyone who happens to have a damaged slippers. =)

Tsinelas, simpleng bagay pero malaki ang nagagawa. =)

When will I buy another pair?
Para kanino naman kaya ang sunod?
Sana saken?! Hahahahah lol! =)

No comments:

Post a Comment