About Me

My photo
I'm a girl trapped on somebody's bod. I love Music and Arts and everything that associates with both. I wanna learn how to drive a car and a motorcycle. I wanna try bunjee jumping and some sort of height-freaking stunts. I wanna learn how to swim like an athlete and surf! I wanna learn how to play the piano, drums, guitar and harmonica. I wanna learn how to cook like a chef and bake cakes too! I hate liars and saying goodbyes too for it saddens me a lot. I love to write poems and draw. I always write how I feel. I love animated movies! =)

Thursday, February 12, 2009

ano ba ang meron?

February 12th, 2009 by iyahthought
Ika-siyam ng pebrero taong dalawang libo at siyam
Noong isang araw pa ako nag-iisip kung ano nga ba ang meron sa araw na ‘yon.
Ala namang may kaarawan o anibersaryo ng isang malapit na kaibigan o kapamilya. Ala din namang nalilimutang fiestahan ng kaopisina o kamag-anak.
Heto ang kwento nang simula ng araw na ‘yon:
Bandang hapon ng araw na ‘yon nagsimula ang lahat. Napatawa sa sarili kahit ala namang katawa-tawa o kaumis-umis ng panahong yaon. Kasi ang meron e nakakainis na pangyayari. Inis sa sarili at inis sa driver ng pampasaherong jeep na nasakyan ko noong araw na ‘yon. Pagkasakay ko plang e nagbayad na ako ng pamasahe. May kalabisan ang ibinayad ko kasi singkwenta pesos iniabot ko. Bale bente uno pesos lang naman ang pamasahe. Samakatwid e may sukli pa akong bente nuebe pesos. Sinabi ko sa mamang driver kung saan ako bababa pagkakita ko na tumingin siya sa salamin na may mga nakasuksok na basahan at perang binilo sa unahan ng kanyang minamanehong jeep para mapagtanto kung sino ang nag-abot ng pera. Pinagmasdan ko siya pati na kanyang mga kamay hindi upang malaman kung may “wedding ring” na siya kungdi, para malaman ko kung may panukli na siya sa ibinayad ko. Pero hindi ko maaninaw kasi sa may bandang likuran ako napaupo, doon lang may espasyo na puedeng upuan. May kalabuan na din kasi ang aking mga mata. Nagpagawa naman ako ng salamin pero mahigit isang taon na ‘yon kaya iwan na ng aking mata ang grado ng aking salamin. Hindi ako makapagpagawa pa kasi namamahalan na ako. (hehehe) eniweys, Balik tayo sa istorya ko. “Alis na ‘ko, kawawa naman estudyante kong sakay, baka malate na” sabi ng driver sa barker na andun sabay abot ng perang bayad sa pagtatawag ng mga pasahero. Napaumis naman ako kasi sa kauna-unahang pagkakataon sa tanang buhay ko e noon lang ako nakarinig ng ganoong komento mula sa bibig ng isang driver. Kalimitan kasi e super sa tagal kung maghintay bago umalis sa pila para mapuno ang jeep niya. Kahit pa siguro presidente ng Pilipinas ang sumakay doon e nde sila aalis kaagad (No offense meant po) Sabagay, hindi mo naman sila masisisi kung ganun sila kasi “they are just doing their job” “they are just doing it to gain a bigger profit” saying din naman kasi sa sobrang taas ng halaga ng gasoline sa panahon ngaun. (Biglang Bawi… natakot sa driver na makakabasa hehehhe)
Malapit na akong bumaba pero alang pumasok sa isip ko, ni alang nagbulong na may sukli pa ako na dapat hingin sa driver. Nakatulog ata ung anghel dela guardia ko. =) biro lang. Naalimpungatan lang siya pagkababa ko ng jeep. Hindi ko na nahabol sukli ko. Ni plate number ng jeep nde ko din nakuha kasi pagkababa ko ata e humarurot na. Sa madaling sabi e nawalan ako ng bente nuebe pesos ng umagang yaon. Sinabi ko na lang sa sarili ko na pabuya ko ‘yon sa kanya. =)
So, un ung kwento. Na ikinuwento ko din sa aking kaututang dila sa opisinang aking pinagtatrabahuhan. Ala siyang naging komento. Siguro madami din siyang iniisip ng mga oras na ‘yon. Kunwari lang e nakikinig pero nde naman pla. Pero ayos lang naman yon sakin kasi malimit e ganun din ako. Hahaha! “quits!”
Dumating ang oras ng aming nakasanayang oras pag-alis ng opisina. Alas singko Y media ng hapon. Naglakad kami papuntang SM na nasa may bandang likuran lang ng aming opisina. Doon kami naghiwa-hiwalay kasi iba-iba ang lugal na aming inuuwian. ‘yong dalawa kong kaopisina na taga saming bayan din e nauna nang umuwe kasi mas maaga silang pumasok kesa saken. Mag-isa ako na sumakay sa minicab na biajeng palengke. Doon ako pupunta kasi may pabiling “jacket” ang aking kaopisina. Nagustuhan niya ang suot kong “jacket” ng araw na ‘yon. Stripes (red and pink).=) Malapit na akong bumaba kaya hiningi ko na ung sukli ko sa sampung piso na iniabot ko. Ang siste, alang panukling barya c manong. Sinabi ko nalng na “okay lang po” sabay sibangot! Just kidding! Hehehhhe sabay baba. Kita ko sa mamang driver na ibinabalik nia ung ibinayad ko sa kanya kaya sabi ko e okay lang.
Konklusion:
Ikaw, alam mo ba kung ano ang gusto mo o ayaw mo?
Napangiti ako sa sarili ko pagkababa ko ng minicab sabay tanong sa sarili ko ng tanong na itinanung ko sa’yo. Kaninang umaga e mejo badtrip ako kahit konting halaga lang ung nawala saken. Pagkatapos ng hapon na ’yon e tinanggihan ko naman. Kaya, “ano ba tlga?”
Anong meron ng araw na ‘yon? Siguro araw yon para malaman ko sa sarili ko na nakakalito talaga minsan ang buhay. Kahit ikaw sa sarili mo e hindi mo malaman kung ano ba ang gusto mo o kung ano ang ayaw mo. Tanong na kung tutuusin e mas madaling sagutin kasi ang pinaguusapan e ang gusto o ayaw mo. Mas madali kesa tanungin ka kung ano ang gusto ng ate, kuya, kapatid, kaibigan o kung sino mang tao.
Sa katunayan, madami akong gusto at ayaw. Kahit pa idetalye mo sa kung anu-anong mga kategorya. Gustong ulam, kanta, sayaw, araw, numero, kaibigan, crush, ibig, lugar, kainan, mall, sports, panulat, manunulat, shokla, magician, taong grasa, agiw, kalawang, sodium chloride, MSG, computer, mp4, laptop, unan, laruang motorsiklo, bunjee jumping, ipis ng kapitbahay, kabit ng kung sino, asawa ng kung sino, Armando Solis, Salvador, Drew Arellano at kung anu-ano at kung sinu-sino pa.
Pero sa kung mas mataas na level na, konte lang pero bigatin. =)
Ang kwento ko ay tungkol plang sa paghingi at pagtanggi sa sukli. Kung ayaw o gusto ko ba talaga. Mahaba haba nang istoryahan. Lalo na siguro kung idedetalye ko lahat lahat dito ang ayaw at gusto ko sa buhay. Hehehhe ilalaan ko na lamang ‘yong parting yon sa magiging asawa, anak at apo ko. Mga istoryang aking iipunin sa aking memorya ng sapilitan.

No comments:

Post a Comment