February 12th, 2009 by iyahthought
If you were asked what game do you like the most during your childhood days, what games will pass your memory scan until you catch your favorite game? 10 games, 15,or more?
I was born 1979. I’m proud to say that I have lots in mind. Reminiscing all what had happened during those times when I started to learn how to play different games that my siblings and cousins, who happen to be older than me, are teaching me…. (thinking….) hmmnn Imagine, 14 kids playing and shouting and crying all at the same time. Whose mind won’t get crazy and mad as hell?
Let’s start memory scan: (some games are hard to name so please spare my ignorance on it)
- “Bahay-bahayan”: an incomplete and confusing family. All wants to act as the mother or the father, sometimes all wants to be the baby on the family. Our food is always “inihaw na saging na saba”coz it’s easy to prepare and cook. Sometimes we secretly dig “camoteng baging” on our neighborhood’s backyard. We cook those camote in a can with water. Sometimes we invite other kids. Kids of those who owns the land where we dig camotes. =) For us to have an excuse of doing so. Just kidding. We honestly consider them as our friends. We build our own house made of sacks and broken kites.
- “Patintero”: We always play this game at school right after each of our classes and during weekends in our back and front yard. We fetch water with our tito’s used gasoline container and use it as marks on patintero.We ended up with our head bowed down coz we were scolded for our very nice smell, for those drying sweats under our shirts and for going home so late in the afternoon. I have no idea up to now why it was called patintero.
- Jar-base: I dunno if my spelling is right. =) It is a game with two teams. Each team has their own base to protect. Usually a cemented plant box at school, our favorite playground. Hehehehe. It is a chasing game where players of each team will run as fast as they could so they will not be caught by the other team’s players. If a player got caught, he will stand with his one leg on the tip of the opponent’s base and the other on the ground and his arms out stretch. The next caught player will just hold hands with the first. Until a line was formed. It will be easier for the players of the team where those got caught belonged to have them back. That is if they can tap the hand of the one on the end of the line. But watch out for the team’s guard. It is indeed a very tiring game coz all you have to do is to run for your lives.. . I mean, for your team. =)
- Hide and Seek: We love to play this game during brown-outs. Imagine all of us (less one) hiding on every corner of the house and on trees and bushes outside with just only one to seek us (this explains the “less one”). We ended up having our arms and legs bitten by mosquitoes and ants.
- “Langit-lupa-impyerno”: Unlike the other games that I already mentioned, this game has a chant/song. “Langit-lupa-impyerno, im-im-impyerno” something like that. =) With circle as our formation, one player will serve as a moderator with his one finger pointing in each of us for every syllables of the songs while all of us are singing. Then the player where his finger points at the end of the song will become the player who will be named “taya” (hehheheh, dunno what will I call him). Right after the song, each of us will look for an elevated place, a box or a piece of wood instead of the grounds as fast as we can so we will not get caught. You will be the next person who will be called “taya” if you got caught on the ground or if you got tapped with taya’s hand while busy looking for a place to stay. (Ganda ng English.. kaarteng basahin at pakinggan.. ahhahahha)
- “Piring”: An exciting game. You could see me smiling while typing this. I could still picture in mind those times that we are playing this game. Favorite time: brown-out. We call this “piring” because one player will be blind-folded. He will seek or should I say crawl until he bump into the other player who is standing or sitting or in any position just like a statue. You have to shut your mouth so that “taya” will not hear you. You are not allowed to look for another place to hide or stand when the game is on. “taya” will be required to say the name of the person he bumped into. If his guess is right then “taya” is lucky. A next round of the game will be played until everyone gets tired for laughing out so loud.
NOSE BLEED: Mahirap na mag-english eh…
7. 2 takip ng coke (tanzan) na pinitpit para mapirat. Binutasan ang gitna para lagyan ng pisi. Hawakan ang magkabilang dulo ng pisi with the tanzan (2) on the center of the cord. Papaikutin hanggang sa tumining ang ikot. Kapag may naririnig ka ng tunog mula sa tanzan, itatapat mo ito sa mga halaman sa bahay nyo. Kinabukasan, magmumura na nanay mo at tatanungin kung sino may kagagawan ng krimen sa halaman niya na kung ilang taon niyang inalagaan. Yan yung isa sa laro na nakakatuwaan lagi naming laruin. Kasi challenging samen ang magtago para makaiwas sa palo. Hehehehhe
8. Uyayi: Ikaw ang sasakay kasi masarap kesa ikaw ang mag-uugoy. Mas masarap ang feeling kung sa magkabilang dulo ay may nag-uugoy sa’yo. Tas kapag napagkatuwaan ka sa kadamutan mong magpapalit ng pwesto e lalakasan nila ang pag-ugoy hanggang sa bumaliktad ang ‘yong mundo. Maririnig na lang ng nanay at tatay mo ang palahaw mo. Makikita pati mga dumi sa braso at paa mo na may kasama ng mga galos at konti pa lang namang dugo na madali nang matuyo. Makikita mo ung mga kalaro mo na tawa ng tawa sa sinapit mo. Lalo ka lang papalahaw at mangangakong nde na muling sasakay sa duyan na sila ang mag-uugoy. Kaarte at damot mo kc! Heheheheh (Fact: Ako po ung nakasakay sa duyan, I was in grade 2 that time)
9. Bubbles(our version): Kasi po ng panahong yon e ala pa kami nakikitang binibili samen ng mga magulang namen. Kaya nakaisip po kami ng pde naming gawing bubbles. Mamumuti kami ng dahon ng gumamela sa puno sa aming bakuran kasama na ang sa kapitbahay na hindi naman nila napapansin sa kasukalan ng bakuran nila mismo. Pipiratin namin ‘yon hanggang sa kumatas ang dahon. Then we will mix it with water and a lil amount of detergent soap. Kukuha kami ng isang ting-ting na may kalambutan pa tas ipoporma namen siya ng pabilog ang dulo lang na pinakamalambot. Tatalian ito para hindi makalas ang bilog. Isasawsaw sa aming potion.. este sa mixture then, hihipan at presto, BUBBLES. Meron pang isa, kapag naglalaba ang aming mga ermats, makikimali kami at kunwari e tutulong sa paglalaba pero manggugulo lang. Kapag madulas na kamay namin at puno na ng sabon, hihipan na namin ang isa kamay na nakapormang “o” tas ang isang kamay ay nakaabang sa pagsalo sa bulang lalabas. Palakihan hanggang sa pumutok at ang kalalabasan ay mapupula ang aming mga mata sa silam mula sa sabon. =) (naiintindihan nyo ga ako? Hehehe)
10. Lutu-lutuan: Ginagawa din ito kapag kami ay nagbabahay-bahayan. Pero minsan kapag tinatamad na kami gumawa ng bahay, sa likuran na lang ng bahay kami pupunta. Maglalatag kami ng sako at doon ilalagay ang aming mga laruan na gagamitin sa aming laro. Mamimitas kami ng kung anu-anong mga dahon at kalimitan pa ay may mga kasamang mga bulaklak gaya ng gumamela. Pagpuputul-putolin namin tas lulutuin na. This time hindi na kami gagamit ng apoy kasi baka masunog ang sako namin e mamura pa kami ng katakot takot. Ang gamit namin na laruan e ung mga ibinili para samen ng aming mga erpat at ermat tuwing fiesta sa kabayanan. Kalimitan e ung mga palayok na maliliit o yung mga gawa sa lata. Kapag naiiwala namin ang mga yon e kukuha nalng kami ng na anong lata at plastic na pedeng paglutuan kunwari.
11. Barbie: Akshuali, hindi kami nagkaroon ng laruan na Barbie talaga, ung orig. Pero hindi naman namin alam na may ganun kasi hindi kami mahilig manuod ng tv noon. Mas gusto namin maglaro na lang ng kahit ano sa bakuran. Palibhasa din hindi pa naman colored ang tv. Ang manika namin noon e yung nabibili lang sa fiestahan. Minsan pa nga e yung baby na may uyaying maliit. Halos every fiesta sa bayan ay meron kami laging bago. =)
12. Supla: (eto nga ba tawag dun?) cnxa na ha. =) Eto ung kawayang maliit na binabalahan namin ng binasang papel na binilog namin. Mejo delikado to kasi masakit makatama sa mukha. Pero ang malimit lang naman naming gawin e ung palayuan o pataasan ng nararating ng mga bala kaya palakasan ng buga o ihip sa kawayan.
13. di-ko-maalala-name game: eto yung paper game na malimit laruin ng mga estudyante na ayaw makinig sa titser nila. Laro na talaga namang nakaka-aksaya ng papel ng mga bata. Papel at ball pen lang ang kailangan kasi kung lapis gagamitin ay liliit sa kakatasa sa kadahilanang napuputol ang tasa. Yung game na ‘to e dalawa lang ang player. Sa isang papel ay magdo-drawing sila ng kani-kanilang base sa dalawang magkabilang sulok ng papel. Puede din naman na sa parehong gitna sila magdrawing basta sa magkabilang dulo. Jack-en poy muna tas kung sino ang panalo e sia ang unang titira. Sa pagtira, itatayo nia yung ballpen sa base nia na ang tinta e nakatuon sa papel. Tutuunan nia ng madiin ang dulo ng ballpen sa pamamagitan ng kanyang hintuturo hanggang sa magslide ang daliri nia at gumuhit ang ballpen palayo sa kanyang base. Ang dulo ng linya ay guguhitan nia ng tanda ng base nia. (e.g star, diamond, square or any shape that he likes). Pero kung sa pagtira ng kalaban ay naguhitan ung alin man sa dulo ng drawing nia, papalitan nia ito ng drawing representing his base. (it should be not the same with his opponent). Sa sunod niyang pagtira, doon na sia magmumula. Halinhinan ang pagtira. Ang aim ng bawat isa ay marating ang base ng kalaban. Ang unang makarating ang siyang panalo. (intiendes?)
14. Pitik kamay: Hindi din ako cgurado sa title ng game na to. Isang libro lang ang kailangan dito. Jack-en poy muna tas kung sino ang manalo, siya ang unang bubuklat sa libro. Kailangan lang na ung pahinan na nabuklat nia ay maraming drawing na tao kasi un ung bibilangin nia. Tas kung ilan ung tao dun sa pahina, yon ang bilang ng gagawin niang pagpitik sa kamay ng kalaban. Hehehehe cguro kelangang papulahan ang nagging title nito. Papulahan ng kamay. hahahahha
Just post a comment on my profile for further inquiries about the following games: (Kahirap na nga mag-english, hirap lalong mag-explain.. heheheh)
15. S.O.S: Papel, Ballpen at ruler
16. Bitayan: Papel at ballpen
17. piko: Bato (nde ung stone ha) at chalk
18. tisod: Bato din at ung corridor ang venue.
19. Step-no, step-yes: corridor din
20. Luksong tinik
21. Luksong baka
22. Ten-twenty: Rubber band na pinagdugtong –dugtong or garter
23. Chinese garter: same
24. yoyo
25. kip-kip bato: stone (the smaller the better)
26. Doktor-kwak-kwak
27. Bending: Tsinelas
28. jackstone
29. Jack en poy (cnu nga ba can jack at poy?)
30. Bato-bato-pik
31. Lastiko
32. Sipa
33. Batong bola
34. Habulan-taya
35. tumbang preso: Lata ng kahit anong produkto at tsinelas
36. Magpapagayo
37. Volleyball
38. Baseball
39. Table tennis
40. Badminton
Trivia: ANG LAHAT PO NG LARONG NABANGGIT SA ITAAS AY NAGING BAHAGI NG KABATAAN (kasama na din ang katandaan kahit sa kasalukuyang panahon) NG AUTHOR =)

No comments:
Post a Comment