About Me

My photo
I'm a girl trapped on somebody's bod. I love Music and Arts and everything that associates with both. I wanna learn how to drive a car and a motorcycle. I wanna try bunjee jumping and some sort of height-freaking stunts. I wanna learn how to swim like an athlete and surf! I wanna learn how to play the piano, drums, guitar and harmonica. I wanna learn how to cook like a chef and bake cakes too! I hate liars and saying goodbyes too for it saddens me a lot. I love to write poems and draw. I always write how I feel. I love animated movies! =)

Tuesday, April 28, 2009

ang sabi ni bob ong at ang sabi ni krung-krung

April 28th, 2009 by iyahthought
(repost and modified)

“walang taong manhid, hindi lang niya maintindihan ang nais mong iparating dahil hindi mo siya diretsahin” - bob ong

sa malimit cgurong pgkakataon e ganun n nga
those misunderstandings that are …
really heart breaking (on the part of those who are misunderstood)
really irritating (on the part of those who dont understand)

Misunderstanding & Miscommunication
Naitanung ko nga sa sarili ko : “alin ba mas importante sa relasyon ng dalawang tao na malayo sa isa’t isa… ung milya milya ang layo?” komunikasyon o pang-unawa?
Komunikasyon: ang kalimitang nagiging sagot at ang alam nilang tamang sagot.
Importante ung makapag-usap kayo kahit gaano kabusy pa doon sa kung saan mang lupalop sila andun. May time na ginugugol para lamang batiin ka sa umaga, tanghali o gabi. May time na inilalaan sa pagsasabi at pagtatanung kung kumusta na ga. May time na pilit isinisingit sa tuwing bibisitahin, mag-update o magpost ng picture sa FS, para lamang magpadala ng isang munting mensahe na sinsero at totoo. May time na hanapin ang ipinangakong numero ng telepono (ung international number) na ibigay sa’yo at ala ng iba pang sinasabi. (Kung gusto may paraan, Kung ayaw may dahilan). May time para sa’yo. Katulad ng komento ng kaibigan ng isa kong kaanak na naresiv ko thru txt at alam kong yun e laan para talaga saken. Sapol na sapol eh. Tamang tama. Kaya ako ay duguan.  Just kidding. “kung gusto ka ng isang tao, kahit gaano pa siya kabusy, may oras siya para sa’yo. Yung tipong hindi mapakali hangga’t hindi nakakatxt ang minamahal.” OUCH!

Pang-unawa: ang sasabihin ng kung sino mang hindi kayang ibigay ang hinihingi, ang konti at simpleng hinihingi ng taong involve sa unang sagot. Intindihin sa lahat ng pagkakataon. Kapag hindi nakareply sa message sa napakatagal na panahon , ibig sabihin ay busy sobra.  Kapag sumagot ka sa tanong at nag-explain ng side mo, ikaw naman ang hindi maintindihan.

Hindi ba dapat give and take. Hindi naman dapat na kesyo siya ang malayo sa pamilya, siya ang laging iintindihin. Hindi naman manhid ang mga taong naiwan. Hindi naman insensitibo ang mga taong humihiling lang ng kahit kaunting oras. Kalimitan nga ay minuto lang dahil sa pang-unawa niya na busy ka talaga sa trabaho.

That gave birth to the so-called Ms. Understanding

E kung tanungin ko kaya c bob ong, ano kaya magiging sagot nia? Hmmnn…
Siguro sasabihin niya na importante e yung katotohanan at katapatan ng nararamdaman nila para sa isa’t isa. Na kahit gaano pa kalayo ang agwat nila, hindi nila ito iniinda. Walang halong pagdududa. Walang halong pagkainis na sa tuwing hindi makakasagot sa tawag o txt, may isang nag-aalbur na sa pagdaramdam. Walang halong panloloko sa tunay na intension at damdamin.

Pde din sabihin niya na pang-unawa sa taong malayo sa pamilya na pilit nagpapakahirap na magtrabaho para lamang sa ikauunlad ng buhay ng mga taong mahalaga at importante sa kanya. Kaya sori ka nalng kung hindi ka kabilang doon sa aking nabanggit.

Pero paano magiging importante ang komunikasyon kung sa minsang pag-uusap ninyong dalawa, sa huli ay may maiinis at maiirita? Laging sinasabi na hindi daw sila naiintindihan.

Masama ba na ipahayag mo kung ano ang nasasaloob mo? Mali ba na magexplain ka sa kung ano ang pagkaunawa mo sa nangyayari sa inyo? Kahit wala ka namang intensyong masama. Kahit wala ka namang ibang ibig sabihin. Kahit wala ka namang sinisisi.

may taong manhid, ang alam ko meron tlga… at dalawang klase un. Una: sila ung mga alang pakialam sa feelings ng iba… Pangalawa: yun ung sa dinami dami ng naranasan nia, ng luhang naipatak sa pisngi… nde na cia makaramdam.. di n nia alam kung panu maging masaya, ung totoong masaya.. di n nia alam kung panu masaktan.. dahil siya’y naging bato na.


kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat ingat ka nman. dahil kahit ganyan ka, hndi nsasaktan, kaya mo nmang mkasakit” - bob ong

it happens…
it’s maybe happening sa mga oras na tinatype ko mga letra ditto.
it happened.

No comments:

Post a Comment